answersLogoWhite

0


Best Answer

Alam ba ninyo...

... na si Willy Garte ay isang bulag na Pilipinong mang-aawit na nagpasikat ng mga kantang Bawal na Gamot at Nasaan ang Liwanag?

.. na si Tony Velasquez ay isang Pilipinong mangguguhit na tinaguriang "Ama ng Komiks sa Pilipinas"?

... na ang magasing Liwayway ay isang muling-pagbuhay sa nauna ritong Photo News na nalilimbag sa 3 pangunahing wika sa Pilipinas noong mga 1920?

... na ang Bisaya Magasin ang pinakamatagal at pinakamatagumpay na magasin sa wikang Sebwano sa Pilipinas?

... na si Norberto Romuáldez ang itinuturing na "Ama ng Batas hinggil sa Pambansang Wika" sa Pilipinas?

... na ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas ang nagsasagawa ng lahat ng mga programang pang-repormang panlupa sa bansa?

na ang "Gabinete" ang pinakamalaking bahagi ng pambansang sangay-tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas?

...na ang Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao ay ang ika-anim at pinakahuling yunit ng Unibersidad ng Pilipinas?

...na si Juan Sebastián Elcano ang namuno sa natitirang barko ni Fernando Magallanes kaya't nakumpleto niya ang pinakaunang sirkumnabigasyon ng mundo noong 1522?

... na maaaring ihain bilang nakagiginhawang tsaa ang bulaklak ng mga mansanilya?

...na si Rolando Tinio ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na kilala bilang makata, dramatista, tagasalin, direktor, tagapuna, manunulat ng sanaysay at guro?

...na sinubok ni Basilio Augustín na makapagtatag ng asambleyang Ilustrado at puwersang milisya para ihanda ang Pilipinas sa awtonomiya?

... na pangunahing impluwensiya sa mga Pilipinang manunulat sina Gabriela Silang, Leonor Rivera, Imelda Marcos at Corazon Aquino?

na ang Gawad Palanca ang bantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan sa Pilipinas na katumbas ng Gantimpalang Pulitzer?

...na si Elizabeth Cooper ang unang Pilipinang nakipaghalikan sa pelikula sa Pilipinas at naging lihim na kasintahan ni Douglas MacArthur?

...na ang Gawad Ramon Magsaysay ay palaging itinuturing na katumbas ng Parangal na Nobel sa Asya at may 6 na kategorya?

... na nakuha ng bandang Yano ang pangalan nila mula sa isang salitang nakalahok sa isang lumang Talahuluganang Tagalog at nangangahulugang payak?

... na ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat ni Lope K. Santos sa wastong pagsasalita't pagsulat ng Tagalog na nilathala ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1939?

...na si Napoleon Abueva, Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas, ay ang nag-iisang Boholanong naging Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas?

... na kaugnay ng mga salitang pamahalaan, pabahalaan, at pariralang bahala na ang salitang-ugat na bahala at ang ngalang Bathala?

... na si Manuel L. Quezon ang pangalawang Pangulo ng Pilipinas ngunit una sa ilalim ng bagong Komonwelt?

... na si Juan Flavier ay napabilang sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines noong 1967?

... na bukod sa pagiging eskultor ng Monumento ni Bonifacio at ng Oblasyon ng UP, kaibigan din si Guillermo Tolentino ni Fernando Amorsolo?

... na ang manunulat at musikerong pang-Pinoy Rock na si Dong Abay ay kasingkaarawan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo?

...na ang mga Indones ang pinaniniwalaang ninuno ng mga Ilongot at tinatayang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe?

...na kilala rin si Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas, sa ilalim ng panulat na pangalang Quijano de Manila?

na si Ishmael Bernal ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino?

...na tinalakay ni Lino Brocka sa kaniyang mga pelikula ang mga paksang pilit iniiwasan ng lipunan?

...na ang Lungsod ng Sagay ng Negros Occidental ay dating kilala bilang Arguelles at Bayan ni Magallanes?

...na ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad ng Pilipinas ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, na siya namang nagiisang tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila?

...na ang Pambansang Kumpanya ng Langis ng Pilipinas ang susing institusyon sa kaunlaran ng panggagalugad at paggamit ng mga likas na pinagkukunang-yaman ng enerhiya sa Pilipinas?

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu-ano ang mga wikang filipino trivia?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp