answersLogoWhite

0

Ang badminton[1] ay isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa. Ito ay maaaring laruin ng dalawang magkalabang manlalaro (isahan) o kaya ng dalawang magkalabang pares (paresan), kung saan sakop ng isang manlalaro o pares ng manlalaro ang kalahati ng isang parisukat na palaruan. Ito ay paghihiwalayin ng isang lambat (net).[2] Ang isang panig ay makakapagkamit ng puntos sa pamamagitan ng paghataw ng shuttlecock gamit ang raketa, patawirin sa ibabaw ng net at pabagsakin ito sa sahig ng kalabang panig. Ang isang rally ay natatapos kapag ang shuttlecock ay bumagsak sa sahig, at ito ay kailangang paluin ng isang (1) beses lamang ng bawat panig bago ito lumagpas sa net.

Ang shuttlecock (o shuttle) ay uri ng bola na nagtataglay ng kakaibang katangian na erodinamiko. Ito ay dahil sa labing-anim na balahibong maayos na nakasuksok sa paligid nito na nagbibigay ng mataas na hila ng hangin kung saan ito ay mabilis na bumabagal kumpara sa ibang bola. May kakayanan din ito na umabot sa pinakasukdulang bilis nito kumpara sa ibang palakasan sa parehas na kategorya. Dahil ang lipad ng shuttle ay lubusang naaapektuhan ng hangin, ang Badminton ay kadalasang ginaganap sa isang saradong palaruan. Maaari din itong laruin sa labas katulad ng isang hardin o sa aplaya, ngunit ito ay Hindi opisyal bagkus pangkasiyahan o pampamilya lamang.

Mula noong 1992, ang badminton ay ibinilang bilang larong olimpiko at ito ay mayroong limang kaganapan: lalaki at babaeng isahan, lalaki at babaeng paresan at magkahalong pares, kung saan ang isang pares ay binubuo ng isang lalaki at isang babae. Sa isang mataas na antas ng paglalaro, ang palarong ito ay nangangailangan ng atletang lakas, liksi at kahustuhan. Dahil sa bilis na taglay ng shuttle, nangangailangan din ito ng maayos at tamang koordinasyon ng iba't ibang parte ng katawan tulad ng mata, binti at paa, braso at kamay.

Sanggunian
User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Anu-ano ang mga tuntunin sa pagsulat ng talata?

panayaman ang isang tao tungkol sa mga ikinabubuhay nila?


Tuntunin sa panghihiram ng salita batay sa bagong alpabeto?

== ==


Tuntunin sa pagpapantig?

pagbigkas na pagbabaybay,pasulat na pagbabaybay,panumbas ng mga hiram na salita, at ang gamit ng gitling


Ano ang pangunahing tuntunin ng pagbabaybay?

1. Pagbigkas na Pagbaybay 2. Pasulat na Pagbaybay 3. Panumbas sa mga hiram na salita 4. Ang gamit ng gitling


Talata tungkol sa guro sa filipino?

Ang Guro ang Ating Pangalawang Ina sa Eskwelahan at ang mga Kaklase naman natin ang Pangalawa nating mga Kapatid , Dapat inererespeto sila at ginagalang , karapatan nating sagutin ang kanila mga itinatatanong , hindi tayo sasagot ng pabalang .fb | facebook.com/judson.raniego.90


Mga tuntunin sa paggamit ng hiram na salita?

malnutrition-malnutrisyon yon ang hiram na salita


Tuntunin sa panghihiram ng salita?

ewan ko mga gago


Ano ang ibig sabihin ng ekskomunikasyon?

Ang ekskomunikasyon ay isang pagpapataw ng simbahan ng parusa sa isang miyembro na nagkasala ng malubhang paglabag sa doktrina o tuntunin nito. Ito ay nangangahulugang ang taong ekskomunikado ay hindi na maaaring makibahagi sa mga sakramento o ritwal ng simbahan.


Paano binabaybay ang hiram na salita?

Ang hiram na salita ay binabaybay ayon sa mga tuntunin ng ortograpiya ng wikang Filipino. Karaniwan, ang mga ito ay sinusunod ang orihinal na baybay mula sa pinagmulan, ngunit maaaring iakma ang ilang letra upang mas madaling bigkasin ng mga Pilipino. Mahalaga ring isaalang-alang ang wastong pagbigkas at konteksto ng salita sa paggamit nito. Sa pangkalahatan, ang layunin ay mapanatili ang pagkakakilanlan ng salita habang ito ay isinama sa wikang Filipino.


Mgbigay ng wastong pagbaybay ng mga salita sa filipino?

Ang wastong pagbaybay ng mga salita sa Filipino ay mahalaga upang maipahayag nang tama ang mensahe. Ang mga tuntunin sa ortograpiya, tulad ng paggamit ng tamang bantas at pag-uulit ng mga salita, ay dapat sundin. Halimbawa, ang salitang "kaibigan" ay dapat na ganito ang pagkakasulat, hindi "kibigan." Bukod dito, ang mga banyagang salita ay kailangang isalin o iangkop sa wastong anyo sa Filipino.


Halimbawa ng mga alituntunin sa loob ng bahay?

10 tuntunin na sinusunod sa loob ng bahay


Pamamaraan ng paglaro ng badminton?

Ang pamamaraan ng paglaro ng badminton ay nagsasangkot ng dalawang koponan, bawat isa ay may isang raketa at isang shuttlecock. Ang layunin ay ipasa ang shuttlecock sa ibabaw ng net upang hindi ito maabot ng kalaban, gamit ang iba't ibang uri ng mga suntok tulad ng clear, drop shot, at smash. Ang mga manlalaro ay dapat magtulungan sa pagbuo ng mga estratehiya at paggalaw sa court upang makakuha ng puntos, na karaniwang kinakailangan ng 21 puntos para manalo sa bawat set. Ang tamang posisyon at mabilis na reaksyon ay mahalaga sa tagumpay sa laro.