Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao
(isinilang noong Disyembre 17, 1978), ay isang Filipino propesyunal na boksingero at pulitiko. Siya ang kauna-unahang kampeyon ng walong dibisyon [2] at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng panalou sa Lineal Championship sa apat na ibat-ibang klase ng timbang[3].
Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong 2000s ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin at is also ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.[4]
Si Pacquiao ay may titulong Kampiyon ng IBO World Junior Welterweight, Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng The Ring World Featherweight, Kampiyon ng IBF World Junior Featherweight at'Kampiyon ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion', WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.
Tinalo at pinatumba na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez,Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley. Panalo rin dapat sya sa kontobersyal na laban kay Timothy Bradley
Chat with our AI personalities